kagabi nagwewento si harvelita sa kin.
sabi nia, nagkakwentuhan daw sila ni nanay bago sia umalis ng LB kahapon at bago pumasok si nanay sa opis.
nagtatanong daw si nanay sa kin.
tas ang sabi daw ni nanay kay harvz: "kumusta ba si grace? di naman kasi nagsasalita yan dito. tahimik lang. napaka-matiisin..."
tumatak sa isip ko yung sinabi nia na: "matiisin."
parang gusto kong maiyak nung narinig ko un kay harvy.
ang nanay talaga lakas ng pakiramdam..
pano nia nasabing may tinitiis ako? :-s
pero totoo. matiisin talaga ako.
hangga't kaya na kimkimin at i-solve mag-isa, iso-solve ko un.
nung monday, binabalik na sa kin ni nanay yung pera na hiniram niya.
di ko kinuha kat konti na lang pera na hawak ko.
aawa ako kay nanay e. payatot na.
pero sigurado nagiisip un kung anong ginagastos ko ngayon kasi alam niang binigay ko sa kanya halos lahat yung pera kong hawak e.
kaya cguro kat wala sia pera, binibigyan nia ko ng pera nung lunes kasi aawa siya.
alam niyang di naman ako naimik sa ganyan.
alam nia ang ugali ko na kat nahihirapan na, di ko pinapakita kat kanino.
pero she's a mom. she can always feel me.
gulat talaga ako dun sa wento ni harvz na sinabi ni nanay na matiisin ako.
di ko alam ganun pala tingin nia sa kin.
sa kwento ni harvz, parang sobrang atat siang maka-alam ng kat ano ng tungkol sa kin.
kat galing lang sa iba. basta may malaman lang sila sa kin dito.
di nga naman kasi ako nagkukwento duon sa bahay.
di din ako nagsasalita siado. kapag may kailangan lang.
like pag di ko makita san napunta mga panty ko.
hahaha! :P
nways.. i know i need to be more open kina nanay.
sobrang bait ng mga magulang ko.
lahat ng minahal ko, minamahal din nila kahit ano pang sakripisyo ang kelangan. :)
they are the perfect parents for me.
sobra-sobra ang kabaitan. pagsasakripisyo at pagaalaga natanggap ko sa mga yon.
they are my most valued persons in life.
i know they can always feel me.
iniisip ko pa lang, alam na nila.
o ha? hehe.. :p
galing, galing!
cheers to my parents! ^_^
Tuesday, February 24, 2009
matiisin
Labels:
best parents,
matiisin,
mother,
mother's intuition,
mother's love,
parents,
perseverance
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment