Monday, February 2, 2009

lalake ako, ma'm!

Eh di nag aayos ako ng to dos for the next day.

Tas niyan, si Wilmz may kausap sa phone.

Tas maya-maya niyan naririnig ko na yung pangalan ko sa usap nia.

Tas niyan pinasa na nia sa kin yung tawag.

Yun pala credit card ng HSBC!

Hooh! namaaaaaaan..

Eh di dami daming tanong nung babae.

Nahihiya naman akong mang-isnab kasi pinasa lang sa kin ni Wilmz un e.

Tas dito pa naman sa opis sa sobrang tahimik gagawin kang radyo ng mga tao pag may kausap ka sa telepono

Kaya kahit anong hina ng boses mo, rinig na rinig sasabihin mo

Eh di un nga. Todo interview yung babae sa telepono.

Sabi nia, may card na daw ako, asa sa kin daw yon kung gagamitin ko o hinde.

Pero kelangan daw nia makuha ang detalye ko muna.

Kinuha ang real name, middle name, permanent address. mobile no, birthday.

Tas humihingi sia sa kin ng reference

E wala man akong ibibigay sa kaniang reference kaya para di sia maturn-down at di sia ma-hurt siado (hehe), sabi ko tetext ko na lang sa kania.

Sabi nia, “o cge ma’m”

Tanong ko, “anong number mo?”

Eh di binigay niya..

Tas tinanong ko, “anong pangalan mo?


BENEDICT.


Bago ako makapag-react, inunahan na nia ko.

Mabilis niang sinabi: “Lalake ako, Ma’m!!!” (todo sigaw pa)

Sa loob-loob ko “kelangan mo bang sumigaw??!"


Adik.

Pero nagulat ako at lalake pala sia.

Nasa isip ko babae eh.

Kasi babae boses.

Tas biglang. Benedict ang pangalan??!!

Helloooooooooo..

Mga tao ngayon, oo.

Di naman malaman talaga.

Tsk, tsk.

:-s

0 comments:

 
Bl0gR@ci0us © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina