Thursday, February 26, 2009

aruuuu.. buntis daw..

tsk tsk..

every morning kasi, sa Quezon Ave. ako sumasakay na station.
pero round trip para di ako nakikipag siksikan at pati para kaupo ako.
iisa ang puwesto na inuupuan ko palagi sa last train.
malapit sa pintuan, sa dulo.
eh kanina, sabi nung boses sa MRT, yung mga senior citizens lang at buntis ang puede maiwan sa mga nag round trip. tas lipat sa kabilang side yung mga hinde.
eh di nagcheck na nga po yung guwardiya ano?
tinanong nia isa-isa. aba't cguro itong mga babaeng ayaw lumipat, ang sabi "buntis" daw sila.
utot nila, buntis!
though madali naman talagang magsinungaling sa ganyan.
ano ba naman yung sabihin mong buntis ka di ba?
para di ka na palipatin.
indi din naman ma-che-check nung guard kung buntis ka nga.
eh di ko kaya magpanggap at magsinungaling kahit sa mga ganung simpleng mga bagay lang.
pero di ko naman sinasabi na never akong nagsinungaling. di man ako perpekto e.
pero as much as possible, i refrain from lying.
meron kasing tinatawag na chronic liar na parang parte na ng pagkatao ang magsinungaling. habit na nila yun. yung mga tipong di na nakokonsensiya sa pagtatago ng totoo. hirap nun! bah. tsk tsk, tsk..
nways.. so eh di yon. lipat ako sa kabila.
tayo madness from QC to Buendia.
aabangan ko yung mga babaeng yon na nagsabing buntis sila.
kapag di lumalaki tiyan nila, tatanong ko: "o nung nangyari na sa baby mo? nabugok na?"
hahaha!

:p

0 comments:

 
Bl0gR@ci0us © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina