Wednesday, February 11, 2009

byahe papuntang QC

karugtong to nung naunang entry.
wento ko naman dito yung biyahe ko papuntang QC.
kasi di man ako madalas lumabas ng makati. :D
dun lang ako palagi. tsaka sa laguna lakers.
hehe..
eh di unang biyahe ko kagabi papuntag QC, noh?
sabi ni harvy, sakay daw akong MRT para mabilis.
eh helloooo..
dami ko kayang dala.
baka lagas lagas na mga damit ko kung mag MRT ako ng mga oras na yon, sa sikip! :-s
so nag-bus ako sa Ayala papuntang SM Fairview.
ganda ng bus na nasakyan ko!!! ^_^
automatic ang pinto. hahaha! :p
tas kulay green.
tas makinis kinis pa ang body.
at hanging LCD ang TV!
o haaaaaaa.. (let's DOH it!) =)) :p
pero tayuan.
huhuhu..
muntik na kong mahulog nung biglang umandar ang bus. kasi ako yung asa unahan.
kaya naisip kong umupo sa tabi ng driver kat walang sapin sa pwet.
pauwi na naman e.
ok lang madumihan.
kaya upo ako sa tabi ng driver.
yung driver tsika ever.
natsika lang ng konte, nalibre na ko sa pamasahe.
hahahaha! ayos talaga.
nag-abot na ko ng pera sa kundoktor.
tas sabi ng driver, "nagbayad ka na?"
me: "opo"

tinawag ni driver si kundoktor pogi "ibalik mo pera niya."
kundoktor, napanganga. di malaman kung ibabalik nia ang nakatiklop ko ng pera at nakasipit na sa mga daliri nia.
driver: "balik mo pera niya"
kundoktor: "eto na nga, eto na nga babalik ko na.."
me: "nakuu.. nakakahiya naman po.. wag na po.." [ charing! =)) ]
tas tinanong ko driver: "magkano po ba pamasahe hanggang Sandigang Bayan?"
si kundoktor ang sumagot at parang masama ang loob, haba ng nguso e. hahaha!
sabi "aba, P43 din yon."
me: "ganun. eh kunin nio na po ito."
driver: "wag na. wala akong kakwentuhan sa biyahe e. ok na un."
me: "hehehe.. cge salamat po."

tas pag-andar lang ng konte, nagbabaan na mga tao.
kaya nakaupo na ko.
sayang libre nia, di din nia ko nakakwentuhan.
hahahaha!

pero nakonsensiya ako ha.
nisip ko, cguro ngali ngali nitong ipasingil na ko sa kundoktor.
hehehe..

pero nung pagbaba ko, sabi nung kundoktor "o bukas ulit ha?"
ngumiti lang ako.
baka pag sumagot ako ng OO, sabihin nung mga yon, "Oo naman sia."

hehehe..
ayun.
libre na naman ako. :D

lagi akong nalilibre sa bus e
kung di libre, uber discounted.
hehehe..

di ko sasabihin sa inyo sikreto.
hahaha! :p

end.

0 comments:

 
Bl0gR@ci0us © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina