may tumalo sa choco lava ni john lloyd!
ba naman yaaaaan..
kita nio na ba yung bagong commercial ni ding-dong for Goldilocks??!!
my ghas, ding-dong. tumaas balahibo ko.
the commercial presents different acronyms used by Filipinos in expressing their luuuuuuuuv.. (ew.)
sample:
ITALY - I Trust And Love You
PARIS - Please Always Remember I'm Sincere
ROME - Remember Our Memorable Evenings
Mga ganyan.. Tas yung last niyang sinabi ganto..
"L.I.B.Y.A." (pause) "Love is Beautiful. Tsk. YA!"
Shuuuucks..
Huhuhu.. Isa pa naman yang si Ding-Dong na ok for me na lalaking artista.
Di bastusin at ismarte.
Tas sabay, YA!
YA, ding-dong??!!
YA??!
Huhuhuhu..
Wag ganun, Dong.
Wag ganun.
Niiiiice. Dong.
Close?
Hahahaha!
Adik.
Tsk. Yoko ng commercial na yun.
Bad trip.
:-s
Saturday, February 28, 2009
-YA??!!!
Friday, February 27, 2009
linked-reply
so talagang kelangan, hanggang sa blog eh magbobolahan tayo ever?
di na nakuntento sa chat. pati sa blog, bolahan to the max??
hahahaha!
anyway, thanks for the post. :)
natawa ko sa para kong ni-rape palagi pag papasok sa opis. =))
ba yan.. layo kaya ng tinitirhan ko ngayon. :D
eh inaayos ko naman sarili ko kagad pagdating ah! hahaha!
kulit mo talaga.
nways.. thanks, thanks.
sweet. :)
P.S. bat walang comment sa page mo?
ms. fab chiq
been with raech for several months already since i came here in CheQ.
first impression? suplada. but pretty! walang makaka-kontra jan. hehe..
hear turner yan e. plus eye-widening. hahaha! you should see those men who laid their eyes on her. nanlalaki talaga mga ka-matahan at napapalingon. hehehe..
pag titingnan sia, you'll think she's a pretty bratty shallowy lad.
but she's not.
i once read her blog about relationship.
and i was amazed on her thoughts about empotions.
it was deep and logical. posing a great click on reality.
then this afternoon, after lunch, she was debating with me thru chat about me being cynical on men.
"come on, raech. i am really cynical! period. :P"
but then again, she amazed me on how she laid her arguments.
parang lawyer lang e. aliw.
she has her point, but i care less to explain mine because it could not be easily understood.
hehehe.. she was thinking that I am simply denying myself of the happiness i could have with men.
e sabi ko, i am enjoying myself now without a man in my life.
eh ang point niya, there are some men willing to make me happy but then again i refuse to accept or even see what they are to offer.
wag daw ako magmukmok. hahaha!
leeeer.. di man ako nagmumukmok e.
just being careful. ganun.
tas sabi nia: di naman daw nia sinabing involved na kagad ang emotions.
she was just asking me to give others a chance and stop being cynical.
ewan ko ba dito kay raech..
why does she wants me to be with a man?
do we really need them? come on...
saka na lang.
masaya pa naman ako e.
hehehe..
eh nung asa relationship ako, puro stress lang at pasakit ever.
so break muna. :D
"have a break, have a kitkat."
hahaha! kornik. :p
nways.. sabi ko kay raech, she must have her own time slot in Love Radio 90.7 as Dr. Fab ChiQ!
hataw manermon sa kalab-lab-an. bah.
pero seriously, she's such an amazing young lady.
she's often misunderstood by her contemporaries.
kasi muka ngang may kapilyahang taglay.
but then again, i know she is worth more than what other say she is.
get to know her more, and you'll be surprise on her mature perceptions about life, love, friends, relationships, etc. :)
go, go, go reach!
wag ka na munang magbenta sa kin.
di ako bibili.
hahaha! :P
P.S. pink kulay ng font ko kasi babaeng-babae yang si kikay rachelle e. pinkish girl. :p grabe sakit sa mata ng pink!!! huhu..
CLICK NIYO. para mabasa niyo pano kami magbolahan. :))
disabled po
parang continuation lang to nung wento ko kahapon na "buntis" na babae. hehe..
eh di kanina, andun ulit ako sa QC. tas sinubukan kong mag roundtrip ulet just to check kung may magpapaalis ulit na guwardiya. :D
eh di asa North Avenue station na ano? ayan na nga po, pumasok na yung nangtataboy ng mga pasahero para palipatin sa kabilang side.
meron isang babae tsaka yung kasama niang tomboy sinita nung lalake.
sabi nung lalake: "disabled? senior citizen? buntis?"
ang pinakasafe nga kasi na sabihin mo buntis ka, kasi di naman na yon mache-check kung totoo o hinde.
eh sia, di naman niya puede sabihin na buntis kasi nakaulapaw sia dun sa kasama niyang babae din.
pulupot ever.
kaya ang sabi na lang niya: "disabled po." tas sabay hawak sa paa na kunwari may bali. hahahahaha!
ampigil ng tawa ko nina e. pero nakangiti na ko.
ah, ah.
why would you let yourself be humiliated like that di ba?
whether it is a simple or big lie, both could harbor rebukes once people discovered that you're lying.
tsk tsk.
tsaka di naman mahirap lumipat sa kabila e.
though, di ko lang talaga gets bat kelangan pa lumipat eh last station na naman yon.
minsan nga tatanong ko bat ganon.
di ko talaga gets e.
tulad kahapon, lumipat ako sa kabilang side di ba?
eh ang nasakyan ko din yung train na yon.
ba yun.
nways.. balitaan ko kayo bat daw ganon ang patakaran ever.
hehehe..
yun lang..
isa pang ulet nung sa babae..
"disabled po ako."
hahahaha! =))
my ghaaaaaaaaaas!
Thursday, February 26, 2009
a night in greenbelt
last night, raech and i watched the Shopaholic movie inspired by Kinsella's Confessions and Manhattan series.
hmmm.. the movie's fine except that Isla Fischer sucks as Rebecca Bloomwood (Becky). :(
I pictured Becky to be glamorous and pretty, a real fashionista in a strict sense. Head turner and vibrant!
But Isla's not.. She even doesn'nt know how to dress well ( so baduy!) and Becky's known to be a good-dresser.. :S
I don't even find Isla to be pretty.. Huhuhu..
And her act was so unnatural.. :(
For me she is doesn't fit to be Becky Bloomwood.
Hugh Dancy plays the role of Luke Brandon.
Hugh really has an adorable, charming, sweet-sweet eyes.
But I think he's a bit thin to play as Luke.
I picture Luke to be somewhat lean, tall, neat looking, a bit snob and has a corporate air of confidence.
But Hugh doesn't look neat to me nor has that professional look. His hair goes in different directions, even when he's in the office or in a formal event. :(
He could have worn a neat haircut or he could have had been more "suplado" looking.
But he's not.. :( he's very different from the Luke I have imagined from the book.. :(
It's just his eyes that I like.
Really sweet, sweet hypnotical eyes he has.. :)
but i did enjoy the movie.
raech was laughing so hard on Becky's wacky dance.
sa tawa ako ni rachelle nadadala e.
sarap niang tumawa. aliw! :)) :p
after the movie, we had coffee since we finished early, at around 8:30 i guess.
eh past 9PM pa uwi si harvy, la ako susi ng bahay. so coffee muna.
we had iced caramel macchiato from starbucks.
tambay lang till 9:15, i think. then kwentuhan to the max.
there were seveeeeeeeral gay & female prostitutes around.
eyeing on foreigners.
yung isang bading oh, kalahati ng dede, labas!
laki ng dede niya, talo ako.
hahaha!
sexy nia din. still muka pa din siang lalake.
hehehe.. :D
aliw din. it's been a while since i did that.
tagal ko ng di lumalabas ng ganon.
i even can't remember when was the last time i went out after work.
usually kasi bahay lang ako pagkatapos ng trabaho.
ok din. relaxation after a day of stress.
aruuuu.. buntis daw..
tsk tsk..
every morning kasi, sa Quezon Ave. ako sumasakay na station.
pero round trip para di ako nakikipag siksikan at pati para kaupo ako.
iisa ang puwesto na inuupuan ko palagi sa last train.
malapit sa pintuan, sa dulo.
eh kanina, sabi nung boses sa MRT, yung mga senior citizens lang at buntis ang puede maiwan sa mga nag round trip. tas lipat sa kabilang side yung mga hinde.
eh di nagcheck na nga po yung guwardiya ano?
tinanong nia isa-isa. aba't cguro itong mga babaeng ayaw lumipat, ang sabi "buntis" daw sila.
utot nila, buntis!
though madali naman talagang magsinungaling sa ganyan.
ano ba naman yung sabihin mong buntis ka di ba?
para di ka na palipatin.
indi din naman ma-che-check nung guard kung buntis ka nga.
eh di ko kaya magpanggap at magsinungaling kahit sa mga ganung simpleng mga bagay lang.
pero di ko naman sinasabi na never akong nagsinungaling. di man ako perpekto e.
pero as much as possible, i refrain from lying.
meron kasing tinatawag na chronic liar na parang parte na ng pagkatao ang magsinungaling. habit na nila yun. yung mga tipong di na nakokonsensiya sa pagtatago ng totoo. hirap nun! bah. tsk tsk, tsk..
nways.. so eh di yon. lipat ako sa kabila.
tayo madness from QC to Buendia.
aabangan ko yung mga babaeng yon na nagsabing buntis sila.
kapag di lumalaki tiyan nila, tatanong ko: "o nung nangyari na sa baby mo? nabugok na?"
hahaha!
:p
lam ko na kung san!!!
^_^
hehehe..
halos mag 1 month na kong nag MRT.
at ilang araw ko na ding napapansin na ang mga extinct species na mga "Lalakingensus pogiracious"
ay matatagpuan sa MRT. :D
hehehe..
yun ngang 2nd or 3rd day ko na sakay sa MRT, napapalibutan akong pogi.
hahaha! grabeee... meron pa palang mga ganung nilalang. :D
totoo! napapansin ko..
daming pogi sa MRT every morning.
dun lang ako kakakita ng pogi talaga.
at pag sinabi kong POGI, pogi talga un.
di ko nga papansin siado mga lalake di ba?
mas napapansin ko mga magagandang babae kasi madami sila.
ang mga pogi, bihirang bihira sa public.
bah naman.. kadami sa MRT.
halos araw-araw meron.
tas kanina, am pogi ng katabi ko! hihi.. :))
as in.. parang am bango bango nia tingnan.
matangkad, neat tingnan, chinky, maputi, makinis, mejo supladito ang dating.
tas naka fuschia color na barong kaya lalong pumuti.
di naman mukang baklita, pero di ko din sure.
basta pogi sia. hihihi.. :))
yun.
wala lang. na-share ko lang.
sa MRT ako kakakita ng mga pogi. ^_^
Tuesday, February 24, 2009
matiisin
kagabi nagwewento si harvelita sa kin.
sabi nia, nagkakwentuhan daw sila ni nanay bago sia umalis ng LB kahapon at bago pumasok si nanay sa opis.
nagtatanong daw si nanay sa kin.
tas ang sabi daw ni nanay kay harvz: "kumusta ba si grace? di naman kasi nagsasalita yan dito. tahimik lang. napaka-matiisin..."
tumatak sa isip ko yung sinabi nia na: "matiisin."
parang gusto kong maiyak nung narinig ko un kay harvy.
ang nanay talaga lakas ng pakiramdam..
pano nia nasabing may tinitiis ako? :-s
pero totoo. matiisin talaga ako.
hangga't kaya na kimkimin at i-solve mag-isa, iso-solve ko un.
nung monday, binabalik na sa kin ni nanay yung pera na hiniram niya.
di ko kinuha kat konti na lang pera na hawak ko.
aawa ako kay nanay e. payatot na.
pero sigurado nagiisip un kung anong ginagastos ko ngayon kasi alam niang binigay ko sa kanya halos lahat yung pera kong hawak e.
kaya cguro kat wala sia pera, binibigyan nia ko ng pera nung lunes kasi aawa siya.
alam niyang di naman ako naimik sa ganyan.
alam nia ang ugali ko na kat nahihirapan na, di ko pinapakita kat kanino.
pero she's a mom. she can always feel me.
gulat talaga ako dun sa wento ni harvz na sinabi ni nanay na matiisin ako.
di ko alam ganun pala tingin nia sa kin.
sa kwento ni harvz, parang sobrang atat siang maka-alam ng kat ano ng tungkol sa kin.
kat galing lang sa iba. basta may malaman lang sila sa kin dito.
di nga naman kasi ako nagkukwento duon sa bahay.
di din ako nagsasalita siado. kapag may kailangan lang.
like pag di ko makita san napunta mga panty ko.
hahaha! :P
nways.. i know i need to be more open kina nanay.
sobrang bait ng mga magulang ko.
lahat ng minahal ko, minamahal din nila kahit ano pang sakripisyo ang kelangan. :)
they are the perfect parents for me.
sobra-sobra ang kabaitan. pagsasakripisyo at pagaalaga natanggap ko sa mga yon.
they are my most valued persons in life.
i know they can always feel me.
iniisip ko pa lang, alam na nila.
o ha? hehe.. :p
galing, galing!
cheers to my parents! ^_^
Monday, February 23, 2009
am i?
implicati0ns 0f a terrible diSeaSe calld pride..
-u alwyS dnt wna b d 1st 2 do d step 2b w S0m1..
-u alwyS try 2 hide ur feelngS..
-u dnt wnt 0thers 2 knw dt ur hurt..
-ur afraid 0f tellng S0m1 he/She iS Special..
-ur afraid 0f l0Sng S0m1 bt afraid 2 Sh0w it..
-ur afraid to luv S0m1 whom u thnk cnt luv u bck..
-ur S0 aware 0f wat 0therS thnk dt u cnt d0 wat u wnt..
-ur n0t hapi..
-in d end, u l0se evrythng wd0ut evn tryng 2 have it..
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
forwarded text yan sa kin.
pagkabasa ko niyan, naalala ko yung isa kong kaibigan na nagsabi nian sa kin last week.
tas si harvelita, sinabihan din ako last night na masyado daw akong ma-pride.
pride ba tawag dun??!! di ko inisip kat kelan na ma-pride ako. :D
hehe..
teka ha, teka.. explain ko sarili ko ha..
hihimayin ko isa-isa.. teka..
1. u alwyS dnt wna b d 1st 2 do d step 2b w S0m1..
depende sa tao. though i admit bihirang-bihira ko lang gawin yan.
hmmm.. let's just say na wala akong kieme na gawin yan sa isa if i think, i feel and i'm 98% sure na that person will not take that sweet action against me pag dating ng panahon.. di niyo gets noh? hehehe.. basta ganun. hirap explain.
2. u alwyS try 2 hide ur feelngS..
di naman.. madaldal nga ako e.. tsaka ma-boka.
i could effectively show my emotions to somebody i fully trust.
and same reason with number 1.
3. u dnt wnt 0thers 2 knw dt ur hurt..
eto oo. ganyan talaga ko.
malalaman niyo na lang na nasaktan niyo ko kapag nararamdaman niyong mejo dumidistansiya na ko sa inyo.
pag di ko na kayo siado iniimikan at di na ko siado ganung ka-warm at ka-wento.
i don't sumbat or start a discussion about my feelings.
i choose to be quiet.
iyak lang ng todo pag mag-isa.
pag nahimasmasan na.. ayan, distansiya ever na.
sinaktan niyo na e. ano pang gusto niong gawin ko? di ba?
naks. drama! hehehe.. :p
4. ur afraid 0f tellng S0m1 he/She iS Special..
di naman takot. pero di ko kagad sinasabi. at di ko madalas sabihin.
mejo maingat ako sa pagsabi niyan e..
kaya kapag sinabi ko yan sa inyo, ibig sabihin para sa kin, you are really one of a kind. :)
5. ur afraid 0f l0Sng S0m1 bt afraid 2 Sh0w it..
uhmmm.. yeah?
cguro result of being uber independent yon.
yun lang ang puede ko idahilan jan.
hehe. :D
6. ur afraid to luv S0m1 whom u thnk cnt luv u bck..
ay oo noh! di ko ata kayang magmahal ng di ako kayang mahalin.
kung ayaw niyo, wag niyo! :p
ganon. :p
pero sabi sa Bible "love your enemies e.."
huhu.. hirap niyan.
pero sinusubukan ko talaga.
pramis.
papasulungin ko yan. kelan pasulungin.
sabi sa Bible eh.. :s
7. ur S0 aware 0f wat 0therS thnk dt u cnt d0 wat u wnt..
hm? di ko gets. di naga-apply yan sa kin, i guess.
8. ur n0t hapi..
hmmm.. di naman.
kaya ko naman pasayahin sarili ko e.
pero may emptiness akong nararamdaman.
those are holes dug by those people whom i considered special then eventually left.
kaya butas-butas na ko e.
hahaha! :p
matter of acceptance, dude.
so i won't be forever hurting. :)
9. in d end, u l0se evrythng wd0ut evn tryng 2 have it..
uy. hindi ha. meron namang naiiwan..
so i see it this way..
people i have with me now are real treasures and are special.
"filtered" people out of the many who choose to be with me no matter what happens.
friendship is intact and never changed.
yun. so masasabi nio bang ma-pride ako?
may mga sarili lang akong pilosopiya sa buhay buhay.
ganon. pero i don't think ma-pride ako.
kasi pag alam kong mali ako, i could easily say sorry.
yun nga lang, kelangan prove to me that i'm wrong.
ganun. muka lang akong ma-pride. hehehe..
:D
Sunday, February 22, 2009
ineeet!!!
ang ineeeeeeeeeeeet!
huhuhuhu..
grabeee.. lapit ng mag-summer!
para ng hurno oh.
ah ah..
di na naman tumatalab ang hanging ng elektrik pan.
huhuhu..
pag ganito, ang sarap mag halo-halo e.
yung super special na halo-halo.
na malinam-nam.
hmmmm..
grabe. sarap nun ngayon!
gusto ko din mag beach!
as in!!!
parang dalawang taon na kong di nagbi-beach.
i so miss the beach.
pangarap kong makarating ng bora o kaya beach ng bohol.
gusto ko ng white beach.
tas todo two-piece!
hahaha!
shucks.
di na muna ko magpataba? :D
hehehe..
am bano naman kasi ng katawan ko e..
lumiit ang katawan tsaka muka, muka na nga daw akong bungo e.
pero yung braso ko ganyun pa din.
tas pag nagpataba naman, lalo na siempre lumaki braso ko ever.
ba yan. indi magiging proportional.
pano naman ako aayos niyan? :(
pero hataw ang appetite ko ngayon ha..
parang sarap na kumain.
bahala na.
basta ang gusto ko ngayon e luminis ulit ang muka ko.
it is soooo dumi na.
as in sooo dumi!
tsk tsk tsk.
may kumukulam ata sa kin e.
hehehe.. joke lang. :D ;p
basta yun. gusto ko mag beach ngayong summer! *wink* *wink*
sana makapag beach naman ako this year..
sana. sana. sana.
B-)
tas ito pala yung proof na talagang may global warming.
hehehehe.. natawa kaya ako jan, nung nisend sa e-mail. =))
good morning!
i got early today and i had a goodnight sleep.
nakatulugan ko na naman ka-text ko. hehe
ugali ko na un e, pasensiya na. :D
eto oh.. pang-apat na baso ng liquid for today.
nagke-cleansing ako e.
para kasing dumi dumi na ng katawan ko ever.
kelangan linisin, inside and out.
hehehe.. kaya eto, todong inom palagi pag morning.
tas i make it sure na at least 8 glasses a day na.
pero do you know that the amount of water intake depends on your weight?
if i'm 110 pounds, i must take in 1.5 liters of water a day.
may computation jan e..
divide your weight into two (2) then that's the ounces of water you must take a day.
kinonvert ko lang yung akin sa liters. :D
so un, that's my morning ritual and i started yesterday.
though nung mga nakaraang araw sinusubukan ko na.
kaso kakasuka talaga ang tubig for me.
tsk tsk tsk..
kaso i need to make pilit kasi i am so dehydrated na..
when your wee-wee is yellowish already, it means your dehydrated already.
eh akin nga minsn, darker pa e.. kaya cguro my skin is so dry na.
tsk tsk tsk..
kaya i need to take in more water to clean and hydrate my body.
yun.
wala lang, na-share ko lang.
kasi nag iintay ako ng turn ko sa CR.
lalabas kami ngayon e..
daming nakapila ever.
to think 7:10AM na.
8:00 ang paglabas.
di bale, sobrang lapit lang naman ng Kingdom Hall from us e.
like 5 mins na lakad puede na.
hehe.. astig noh?
alam mo dapat hindi ito ang entry ko e..
nagsusulat ako kanina ng iba.
pero binura ko.
saka na. saka na yun.
baka wala ng magbasa ng blog ko e.
hahahahaha!
mwah! to all my readers, thanks for patronizing my blog.
naks. may ganon??!! ahahahah! :p
o sia, mag-aayos na kong gamit.
at iinom ng mga kagamutan sa buhay-buhay.
babay.
ingat kayo palagi.
thanks ha? for dropping by.
dumadami readers ko e.
kakatuwa. ^_^
gusto nio.. iwan kayong comments e..
para alam ko na dumaan kayo. :D
oki?
have a great sunday! ^_^
Saturday, February 21, 2009
to my singaporean reader
hello.
i noticed you've been following my blog. :)
are you enjoying my entries?
i think you've read most of my entries na.
filipino ikaw cgurado.. kasi not all of my entries are in English e.
naaaliw ka ba?
hehehe..
musta ka na jan sa Singapore?
ano work mo?
kilala ba kita?
you've been using my name in searching for my blog e.
you use either "grace lapis" or "grasyas lapis" :)
kilala ko ikaw?
e-mail mo ko para ma-indentify ko kung sino ikaw.
hehe..
hope to hear from you soon! ^_^
Friday, February 20, 2009
petra
mukang ok na ko ulit kay petra ever.
di nko naiinis sa kaniya e.
tas nakakausap ko na siya ulit ng matagal.
nakakakulitan ko na din ulet.
what happened to me kaya before?
cguro siado lang akong aburido sa buhay buhay ko non kaya ganon.
nways..
petra, di na kita aawayin at susungitan (ta-try ko ng todong-todo. haha! :p)
last na tawag ko na syong PETRA.
pramis. di na kita tatawaging PETRA.
oo, di na talaga PETRA.
Petra. Petra. Petra.
hahahahaha!
sinawa ang sarili sa petra eh noh?
hahahaha!
PETRA!
=))
o tama na.
ayaw na.
PETRA..
P-ramis
E-nde
T-ayo
R-ambol
A-way
U-lit
PETRA U!
=)) =)) =))
Thursday, February 19, 2009
diskusyon
hay naku.
napagod ako.
pramis.
kakatapos lang ng usap namin ni lyntot.
my ghas! after nung usap na-drain energy ko.
hooh! todong diskusyon na naman..
wala na kaming ginawa nun kundi magdiskusyon.
grabeeee..
baka nakaugalian na.
ibang iba kasi kami mag isip non.
iba din kami ng ugali.
iba kami ng paghandle ng emotions.
cguro 80% eh magkaiba talaga kami kaya palaging rambol.
may 20% naman kat papano na pareho..
pareho kaming maganda (bwahaha! lakas! ;p)
pareho kaming laitera
pareho kaming masutil (kaya pag parehong in good mood, sobrang saya din.)
we're both stubborn din. i have my opinions, she has hers.
kaya madalas talaga wrestling.
di napapagod un makipag wrestling e.
ah ah.
wrestling kung wrestling.
ako si hulk hogan, siya si undertaker. (hahaha!)
nways.. sa usap namin kanina, i realized iba talaga kaming mag-isip.
di na din ako siado nag explain. may sariling paniniwala din yon eh.
pag pagod na ko explain, ok na lang ng ok. hahaha! :p
hmmm.. tumagal din naman kat papano.
kahit madalas na pang-away.
di lang madalas pala. super dalas.
dahil sa magkaibang-magkaiba kami talaga ng perspektibo sa mga bagay bagay.
ewan ko para san ba yung paliwanagan kanina eh sumuko naman na siya sa kin.
pero sabi nia siya pa din daw yon eh nung minsan na tumawag sa telepono ang sabi, di na daw sia yon.
leeeeeeeeer...
gulo ever.
nways.. kung san siya masaya.
eh di masaya na din si ako.
:)
Wednesday, February 18, 2009
sino payat? ako?! sexy ka-niyo!
lam niyo palagay ko namayat nga ko.
bah. dami na nagsasabi eh.
either buntis daw ako or nag-aadik.
pero mild addict lang daw. MJ lang daw ginagamit.
hahaha! sila adik e.
di man ako nagpapapayat e.
tas di man ako malungkot din.
la man ako siado niiisip din.
pero yun nga, once a day lang ako kumakain.
pag lunch lang.
bukod sa nagtitipid, eh lang time kumain ng morning.
tas tamad na kumain ng gabi.
parang kakatakot na din minsan pag napapalimit ang rinig ko na am payat ko e.
ah ah.
baka maya jan, may cancer na pala ko kaya ganito.
huhuhuhu..
pero la man ako nararamdaman na lately na masakit.
kelangan ko lang sigurong magtakaw.
pero kelangan kumayod para may pangkain ng sapat.
hahaha! parang isang kahig, isang tuka lang e noh?
haha!
drama. :p
grateful gracious
alam mo, blogee? Jehovah God is really so good.
kung may nawawala sa kin dahil sa pilit na paggawa ko ng kalooban Niya, pinapalitan Niya lahat yon.
kung nalulungkot ako, pinapasaya Niya ko in such a great way.
eh di ba nga sobrang nag-iyak iyak ako nung isang araw kasi nipagtatawanan nila ko dahil sa mga paniniwala ko?
tas nakwento ko na kahapon na may nagpakita ng interes.
tas lam mo? kanina, from a meeting, yung driver namin tsaka yung isang bizdev associate, nagtanong sila about my article. so that's an opportunity for me to speak about the Bible.
nakakatuwa lang. pinagpe-pray ko kasi yun e.
sabi ko i will do my part as a JW, and i know Jehovah will play his part to touch those who have humble hearts.
hindi madali maging kakaiba at pagtawanan at isipin na nababaliw.
hindi talaga madali. iniisip ko na lang na kahit papano, i could make Jehovah God happy.
i know hindi yun sapat para sa lahat ng kabaitan Niya for me, but it is still relieving to know that He do appreciate everything I do for Him. that's how loving & and how appreciative God He is. wala ng papantay pa. :)
tas eto mga bonus na bigay ni Jehovah God para mapangiti ako today..
una, nibigyan ako ni raech ng sokoleyt! haha! babaw..
black meiji yun! hihi.. ;))
eh kagabi pa ko naglilihi dito e.
di lang ako makabili kasi nagtitipid ako. hahaha!
surprise yun! pagbalik ko sa office galing meeting, lumapit sa kin sa area ko noh?
sabay sabi: "for you.."
aaaaaw.. how sweet ever.
binili lang niya yun sa tabi-tabi kanina.
naalala lang siguro katakawan ko sa tsokoleyt.
haha! thanks raech.
second, nagtext si harvz, nitatanong lang kung asan ako at tinatanong kung umuulan ba daw sa makati kasi umuulan daw sa QC.
sabi ko, asa Manila ako at di umuulan though makulimlim.
tas tinanong kung may dala kong payong? kako wala.
sabi: bumili daw akong payong baka daw ako mabasa.
hahaha! ano ko bata ever? :p
to talagang si harvelita oh, parang nanay ko lang e.
hehehe..
pero thanks pa din harvz.
tas sa bandang huli ng text sabi nia, may binili daw sia for me..
aaaaaw.. how sweet..
anu kaya yon? palagay mo?
tas si myles, para pinahiram ko lang ng books ko.
aba't tinatanong ako kanina kung ano daw gusto kong libro at bibigyan niya ko book as a gift.
kako, teka ka, hanap akong book na tigwa-one thou. hahaha!
tas sabi: get it on! niiiiiice.. yamin ever! =)) :p
ayus di ba? hihi.. ^_^
kakatuwa tong mga batang to.
ah ah. la man akong nigagawa sa kanila e.
pero ganyan sila. sweet-sweet-an ever.
cguro mabait lang talaga ko.
hahahaha!
cguro ngayon lang sila nakakita ng nuknukan ng bait na tulad ko.
bwahahaha!
kulet. =))
nu kayang meron today noh? bat ganun?
hmmm.. nways..
seriously, for all these, i will always be thankful to Jehovah God for all the goodness.
for all the blessings He continuously gives me.
for all the love.
for adding back to my life what has been lost.
for giving me people who could make me smile.
for helping me bear my burdens.
for helping me have my usual life back.
for being so forgiving and merciful.
for everything He do for me, i will forever be thankful.
i thank Him for everything.
words are not enough how loving and how kind Jehovah God is to His faithful servants.
thank you, thank you, thank you.
:)
Tuesday, February 17, 2009
o ha?
see?
parang kahapon umiyak ako kasi nipagtatawanan nila ko sa mga paniniwala ko..
today, somebody has shown interest..
she even initiate to talk about the article..
o haaaa? galing talaga ni Jehovah God.
galing, galing ever.
i will demo a Bible study to her tomorrow!
sana magtuloy-tuloy. ^_^
ire-research ko mayang gabi yung mga gusto niang pag-usapan namin.
sabi kasi niya, she does question God SOMETIMES (oo, sometimes lang naman daw. hehe) on what's happening around.
tas sabi nia: bat daw kung sino pa mabait, yun pa daw ang KINUKUHA kagad. kung dahil ba daw binibigyan ng pagkakataon ang mga masasama na magbago kaya ganon. eh pano daw kung di naman nagbabago, bakit daw di pa KUHANIN.
hahahaha!
adik.
bukas. uusapin namin ang sagot ever.
introduce ko sia sa Bible.
di daw sia runong basa nun e.
hehehe.. :D
we'll see.
if her heart's in a right condition, maiintindihan niya lahat yun using the Bible. :)
Monday, February 16, 2009
='(
alam mo nalulungkot ako..
*some missing text here*
i know Jesus has experienced all these things when he was still here on Earth
*some missing text here*
ang gusto lang naman niya eh makilala ng mga tao si Jehova at talikuran nila yung masasama nilang gawain para hindi sila masama sa nalalapit na pagkapuksa ng Jerusalem noon
ganon din sa ngayon, JWs are always trying their best to reach out to people and help them get to know Jehovah God habang pinapayagan pa ng panahon.
hindi habang buhay mangangaral ang mga Saksi at mangangatok sa mga bahay niyo.
may inaalaan lang si Jehova na panahon para ipaabot ang mabuting balita sa mga tao.
kaya kami na mga lingkod Niya ay buo ang lopb na sumusunod sa utos Niya na ipangaral ang Kaniyang Salita.
kaya kahit sa anong paraan, ipinapahatid namin sa mga tao ang sinasabi ng Bibliya.
kaya nung hiningian ako ng article for our company's newsletter, i thought of discussing about the REAL RULER OF THIS WORLD.
the newsletter was released Thursday last week at or Friday.
Di ko tanda. Teka let me check my e-mail. Wait.
*checking. . ."
thursday nga.
so na-release sia nung Thursday.
*some missing text here*
*some missing text here*
*some missing text here*
*some missing text here*
wala namang nagba-buzz sa kin or nagtatanong tungkol sa sinulat ko e.
*some missing text here*
grabe.. I got *some missing text here*
ganun pala yung feeling na pilit mong tinutulungan yung mga tao na makilala sana si Jehova.
trying your best to reach their hearts and boggle their mind to think that there's something more than living in this system of things.
tas ikaw pa yung *some missing text here*
*some missing text here*
ang iyak ko eh, pagbalik ko sa area ko.
di ko napigilang lumuha..
*some missing text here*
*some missing text here*
iniisip ko ganun din naman si Jesus nuon e.
nung andito pa sia sa lupa.
sinabihan din sia ng mga Pharisees na *some missing text here*
tas nagbigay sia ng babala sa mga lingkod nia na "kung ano ang dinanas nia, dadanasin din ng mga lingkod nia"
at yun ay dahil sa hindi tayo katulad ng mga taga Sanlibutan.
alam nilang naiiba tayo at hindi sumusunod sa mga pamantayan nila kaya they kinda abhor or mock us on our beliefs.
haaaaay..
*some missing text here* or sa Makati na handa ang puso na makinig sa salita Niya.
submitting that newsletter is one way of reaching out.
trying to see if anybody will be interested.
i know Jehovah could read hearts.
and if He thinks anyone is ready to listen, Siya na ang maglalapit sa lingkod Niya. :)
i will still try my best and i know Jehovah will do His part.
pero naiiyak pa din ako.
hahaha!
my ghas..
*hooh*
kahirap ng *some missing text here*
huhuhu.. pero anyways.. as long as I could make Jehovah God rejoice, that will be fine.
marami na kong pagkukulang sa Kaniya, in my own little ways I know He can see my efforts to make Him happy. :')
Saturday, February 14, 2009
phor-ever
"Ang pagmamahal ko, phor-ever.."
-Manny Pacquiao
BWAHAHAHAHA!
phor-ever ka jan!
=))
*babaw ko talaga ever. natawa na ko don. hahaha! eh bat ba. lang pakialamanan.. :p"
choco lava
"choco lava, i'm in lava.."
=))
'ba naman yan, john lloyd..
taas ng paggalang ko oh. taas. hanggang dito oh. hanggang dito.
tapos sabay "choco lava, i'm in lavaaaa.."
namaaaaaan!
parang napatigil ata ako ng pagsubo kanina ng kinakain ko nung nakita ko yung commercial na yun.
tsk tsk tsk.
adik mo john lloyd!
wag ganun..
"choco lava, i'm in lava.."
hahaha!
adik.
=))
berting labra
patay na pala si berting labra??!! shuuucks..
lagi yung asa horror na pelikula e.
tagapag bigay tips sa mga bida kung pano masusugpo ang kampon ng kadiliman. (haha! :p)
grabe.. kakalungkot talaga pag kakabalita ng mga namamatay.. *sigh*
oo. affected ako. another life has gone.. :(
another suicide
late last year, we heard that there was a woman who took her life by jumping off from the 15th floor of PLDT tower..
this evening, another middle-aged woman, jumped to her death from the MRT Shaw Station.
tsk tsk tsk..
talaga namang windang na windang na mga tao ngayon sa hirap ng buhay..
so sad. really sad..
JWs continue to preach the good news of the Kingdom so people could still see hope in this problem-stricken world. But we are continuously being shooed away by most people today simple because they're not interested.
nalulungkot lang ako everytime na nakakarinig ako ng mga nagpapakamatay. life is a gift from God. and there is still hope. we all know na mahirap ang buhay ngayon, pero God promises that things will soon change for the better, na mawawala na lahat ng problema, na babalik sa sakdal na kalagayan ang lahat ng bagay.
so why take your life? nakakalungkot.. nasasayangan ako sa buhay ng tao kapag ganon.. sana nalaman nila kung gano kaganda ang mga pangako ni Jehova sa mga tao. kung gano handang umalalay si Jehova sa mga nahihirapan at nabibigatan.
but still marami talaga ang ayaw makinig.. men cannot live without Jehovah. so come to know Him and His wonderful promises. knowing things about Him will change your outlook in life.
yun lang naman. like Jehovah God, we're trying to imitate His love for the humankind trying to save as much human life as possible by letting them hear the good new of the kingdom. so don't waste it. hindi pa huli ang lahat. mababago pa ang mga bagay-bagay sa daigdig. at di na magtatagal yon.
nalungkot na naman ako.. at nakabalita na naman ako ng nagpakamatay. pag ganon, lalo kong nararamdaman yung responsibilidad ng mga Kristiyano na ipakilala sa mga tao si Jehova at ang kanyang mga magagandang pangako.
so if ever na may matagpuan kang Saksi ni Jehova, may nakita kang nagbahay-bahay, patuluyan mo sila dahil mahalaga ang mensahe na dala-dala nila. mahihirapan ka talagang mabuhay ng matiwasay kung wala kang malapit na kaugnayan sa iyong Manlalalang. :)
for most people, hearing anything about the Bible is boring and corney. pero hinde, time will come that every man who ignored the message will wish na sana nakinig sila nung malaya pang nangangaral ang mga Saksi at kumakatok sa mga bahay nila.
listen and pay attention to what God wants us to know about Him, about this life and about the future.
so if we want to avoid suicides, please do hear what the Bible has to say about the wonderful hope ahead of us..
wag sayangin ang buhay.
bulaklak
grabe..
RJ and i had 2 client meetings today. (while wilma & i had one) ->> kuracha ever! :p
RJ's been looking on where to buy floras for his girlfriend.
fortunately, while in RCBC we saw a stall of flowers to ask around.
my ghas! a boquet costs P1,2k!!! (or was that P2,4k) ->> basta libo.
ba naman yan.. hampas ko kaya sa kanila bulaklak nila.
am mahal ha! grabeee.. maybe because of the location and also it's what people call Valentine's Day.
kay ganun. mahal! sa bagay la na naman ng mura ngayon.. :s
kita ko kanina sa TV, a a boquet fresh flowers from Dang-Wa cost P600.
sobrang ganda na ng P700-P850. (still that's quite expensive)
mahal.mahal.mahal.
:-s
Thursday, February 12, 2009
whenever you call..
I won't ever be too far away to feel you..
And I won't hesitate at all..
Whenever you call..
And I'll always remember..
The part of you so tender..
I'll be the one to catch your fall..
Whenever you call..
You can turn to me and cry..
Always understand that I..
Give you all I have inside..
little wonders
This is a nice song.. :)
- - -
Let it go, let it roll right off your shoulder
Don't you know the hardest part is over?
Let it in, let your clarity define you
In the end we will only just remember how it feels
Our lives are made in these small hours
These little wonders, these twists and turns of fate
Time falls away but these small hours
These small hours still remain
Let it slide, let your troubles fall behind you
Let it shine until you feel it all around you
And I don't mind if it's me you need to turn to
We'll get by, it's the heart that really matters in the end
Our lives are made in these small hours
These little wonders, these twists and turns of fate
Time falls away but these small hours
These small hours still remain
All of my regret will wash away somehow
But I cannot forget the way I feel right now
In these small hours
These little wonders, these twists and turns of fate
Yeah, these twists and turns of fate!
Time falls away, yeah but these small hours
And these small hours still remain, yeah
Ooh they still remain
These little wonders, oh these twists and turns of fate
Time falls away but these small hours
These little wonders still remain
By Rob Thomas
Wednesday, February 11, 2009
MRT
grabeeee
first time kong nag MRT ng morning rush hour kanina.
don ako sa Quezon Ave. station.
my ghaaaaaaas..
sobrang sikip. at todong todo ang tulakan!!!
andun na ko sa side ng mga babae nun ha.
ah ah.
may sumisigaw na nga e.
"ANO BAAAAAAAAA.. WAG KAYONG MANULAAAAAAAK."
"AAAAAAH.. YUNG DEDE KO ANG SAKIIIIIIT, NAIIPIT NA!'
tas may mga aburido sa loob.
yung asa tabi ko, narinig kong nagsabi "ANG ARTE MO!!"
di ko alam kung sinong sinasabihan non. yung asa unahan ata nia.
ayaw magpadikit. ano sia ginto? eh dami dami ngang tao.
at uber siksikan.
tas natawa pa ko.
eh di ba nga, para na kaming sardinas sa loob.
paglingon ko sa may bandang gitna.
may babae, natutulog sa kabila ng mga komosyon at siksikan.
hahahaha! nakatayo un ha.
imaginin niyong isa sia sa isda ng Ligo Sardines.
sia yung asa gitna sia, pahula hulapay sa mga katabi. :))
kakatawa e. nag-aaway na yung mga asa paligid niya.
uber sikip na, siya nagagawa nia pang matulog. hahaha!
bilib ako.
kahit yung paglabas sa MRT ng ganung oras, parang obstacle course.
nasira nga ata bag ko e. ah ah.
naman. :-s
sabi ko nga kay harvy ituro nia sa kin kung pano punta North Ave station tom.
para dun nko sakay. para di pa siado dami tao sa MRT.
sabi nia sa text: "sabi ko syo, sumakay ka ng quezon ave station sa kabila tas mag round trip ka."
sabi ko: "eh di ko narinig yung part na round trip."
hahahaha!
adik talaga.
ayan. dusa ever.
di bale. bukas. panibagong adventures! ^_^
end.
byahe papuntang QC
karugtong to nung naunang entry.
wento ko naman dito yung biyahe ko papuntang QC.
kasi di man ako madalas lumabas ng makati. :D
dun lang ako palagi. tsaka sa laguna lakers.
hehe..
eh di unang biyahe ko kagabi papuntag QC, noh?
sabi ni harvy, sakay daw akong MRT para mabilis.
eh helloooo..
dami ko kayang dala.
baka lagas lagas na mga damit ko kung mag MRT ako ng mga oras na yon, sa sikip! :-s
so nag-bus ako sa Ayala papuntang SM Fairview.
ganda ng bus na nasakyan ko!!! ^_^
automatic ang pinto. hahaha! :p
tas kulay green.
tas makinis kinis pa ang body.
at hanging LCD ang TV!
o haaaaaaa.. (let's DOH it!) =)) :p
pero tayuan.
huhuhu..
muntik na kong mahulog nung biglang umandar ang bus. kasi ako yung asa unahan.
kaya naisip kong umupo sa tabi ng driver kat walang sapin sa pwet.
pauwi na naman e.
ok lang madumihan.
kaya upo ako sa tabi ng driver.
yung driver tsika ever.
natsika lang ng konte, nalibre na ko sa pamasahe.
hahahaha! ayos talaga.
nag-abot na ko ng pera sa kundoktor.
tas sabi ng driver, "nagbayad ka na?"
me: "opo"
tinawag ni driver si kundoktor pogi "ibalik mo pera niya."
kundoktor, napanganga. di malaman kung ibabalik nia ang nakatiklop ko ng pera at nakasipit na sa mga daliri nia.
driver: "balik mo pera niya"
kundoktor: "eto na nga, eto na nga babalik ko na.."
me: "nakuu.. nakakahiya naman po.. wag na po.." [ charing! =)) ]
tas tinanong ko driver: "magkano po ba pamasahe hanggang Sandigang Bayan?"
si kundoktor ang sumagot at parang masama ang loob, haba ng nguso e. hahaha!
sabi "aba, P43 din yon."
me: "ganun. eh kunin nio na po ito."
driver: "wag na. wala akong kakwentuhan sa biyahe e. ok na un."
me: "hehehe.. cge salamat po."
tas pag-andar lang ng konte, nagbabaan na mga tao.
kaya nakaupo na ko.
sayang libre nia, di din nia ko nakakwentuhan.
hahahaha!
pero nakonsensiya ako ha.
nisip ko, cguro ngali ngali nitong ipasingil na ko sa kundoktor.
hehehe..
pero nung pagbaba ko, sabi nung kundoktor "o bukas ulit ha?"
ngumiti lang ako.
baka pag sumagot ako ng OO, sabihin nung mga yon, "Oo naman sia."
hehehe..
ayun.
libre na naman ako. :D
lagi akong nalilibre sa bus e
kung di libre, uber discounted.
hehehe..
di ko sasabihin sa inyo sikreto.
hahaha! :p
end.
isa akong exile
hehe..
oo. isa akong exile.
dating kasi yung may-ari nung unit.
sabi sa feb 12 daw dating.
kala ko nga kahapon e.
kaya nung monday, after work, nagpunta kong unit para kuha lang ng damit.
tas ang balak ko mag-uwian na lang muna ng makati-lb.
yoko naman kasi makisiksik duon.
dami nila don na mag-stay.
andun na nga mommy ni bam e.
tsaka yung pinsan nia tsaka ung baby nung pinsan nia.
tas dadating si bam kasabay ate nia, oh?
tas dating din yung bunso nia kapatid from leyte with her kid, oh ulet?
tas siempre pupunta din don yung kuya ni bam with his family, oh oh oh?
san pa ko non? wala na..
huhu..
kaya nag-isip akong mag-uwian.
tas nagtext si harvy nung monday night.
nangangamusta tsaka niyayaya akong matulog sa bahay nia this week.
kaya nagkaron akong idea. hehehe :D
sabi ko sakto! magpapa-ampon muna ko kay harvelita ng buong feb. :D
eh di ganun nga nangyari.
duon na ko natulog kagabi imbes na sa maguwian ako.
actually, ok lang sana mag uwian din ng LB.
kaso am mahal ng pamasahe ever!
my ghas..
tsk tsk..
kaya ayun.
duon na muna ako.
isang tapon.
hehe. :p
end.
Monday, February 9, 2009
hahaha!
grabe. eh di ba nga? nawalan akong wallet.
tas niyan, nilagay ko sa status ko kaninang morning "tumatanggap ng donasyon."
tas umalis ako kasi may conference sa SMX sa Pasay.
when i got back, may sobre ng pera sa table ko.
hahahaha!
pasaway kasi tong si rachelle.
adik ever.
mukang nangampanya pa ng abuloy.
hahahaha!
grabe, i'm so touch.
at least, they cared.
sabi ng ExeQserve (oo isang kumpanya ang nagdonate. haha!)
inisip daw kasi nila na baka wala nkong pang lunch at pamasahe kaya nagpatak patak sila.
sweet noh? tats ako. tats. hehehe..
pero i feel so pulubi nung nakita ko yung sobre.
hahahah!
adiktus magnus kasi tong si rachelle.
pasimuno.
nibalik ko naman sa kanila.
sabi ko kaya ko pang dumilat hanggang biernes.
hahahaha!
but i'm thankful. :)
i thank them for the thought.
thanks everyone! <
P.S. Pero yung pistachio na libre ni Raech tomorrow daw tsaka lunch pa daw di ko babawiin yon. Pistachio un e. hahaha! Tas lilibre din daw ako ni Keitz ng lunch. hihi. tas lilibre din ako ni Nante ng lunch. O haaaa.. Tatsing noh? Hihi.. *_* Nways.. I really appreciate the thought. Di ko akalain. :)
the ever careless grace
for the second time around, nakuhanan na naman ako ng wallet.
my ghas!!! di na ko natuto ever. tsk tsk..
bat kaya nagkakataon pag bagong withdraw ako ano?
tsk tsk tsk..
u're so careless ever. namaaaaan..
siempre wala na naman akong mga ka-ID-han.
iniisip ko nga mga laman eh..
hmmm..
P900 - ni julie
P3,500 - pocket money plus some coins
Robinsons Bank ATM
BDO ATM
SM Advantage Card
GSI ID
hmmm.. nu pa ba..
yun lang ata.
tsaka yung pardible.
haha! :p
haaaay.. kahapon, sobrang sama ng loob ko.
pero di ko nipatagal ang sama ng loob ko.
nisip ko, kelangan nung kumuha yung money.
eh kung talagang mandurugas sia.
bahala na si Jehovah God sa Kaniya. :)
kita naman Niya yun e.
tsaka kasalanan ko din naman.
pakalat-kalat walllet ko dun sa store.
tsk tsk.. i am so ever careless.
grabacious. sarap kong sakalin. :s
dami ko ng nado-donate sa mga masasamang loob! =))
naman!
mahal na mahal ko talaga sila ano?
hehehe..
grabe.. kaka-aning na tong buhay sa sistema na to.
hirap mabuhay ng mapayapa ever.
tsk tsk..
*sigh*
tiis-tiis na lang till the new system of things arrives.
tiis pa. tiis pa.
there are still lots of things to smile on. :)
Saturday, February 7, 2009
stop crying your heart out
Hold up... hold on... don't be scared
You'll never change what's been and gone ..
May your smile... Shine on... Don't be scared
Your destiny may keep you warm.
Cos all of the stars are fading away
Just try not to worry you'll see them some day
Take what you need and be on your way
And stop crying your heart out
Get up... Come on... why you scared
You'll never change what been and gone..
By OASIS
Friday, February 6, 2009
hinihila ka ba pabalik?
oo e..
hinihila ako pabalik..
dad's gone.
flew back to Saudi.
next week, i'm back to my old routine of makati-taguig.
indi na makati-lb.. :s
some people are getting into the scene na naman.
nararamdaman ko na naman ang "magnetic fields" nila.
and i still don't have the strength to repel them.
not enough strength pa..
others are doing what i expected them to do..
sabi syo grace e.. that person can do that.
come to think of it, why couldn't that happen? nagawa nga niya dun sa una e.
sa'yo pa kaya? so tama lang pala talaga na may distansiya ka ever.
ika mo nga: "TIME WILL TELL"
hehehe.. :D
*sigh*
nways.. let them be.
it's their lives eh..
hayaan mo na sila.
i think nasiyahan naman sila sa yo. and i know you're happy seeing other people happy also.
yun nga lang, they are too selfish to just think of themselves.
pag tapos na role mo sa buhay nila, eh bahala ka na di ba?
wala na silang napapala sa yo e.
ganun talaga mga tao ngayon.
kaya pagpasensiyahan mo na.
maunawain ka naman ah? matiisin pa. hehehe.. :P
tas yung iba, pag di nila nakukuha gusto nila syo,
in a snap, they will make you feel like you're NOTHING.
tsk tsk tsk.
mga tao talaga ngayon, oh oh.
tsk tsk tsk..
nways.. yaan mo na yun.
kaya mo naman sumaya na wala sila. :)
i know you could easily make yourself happy.
just do what you intended to do and continue living on God's standards.
pero minsan OA ka e.
OA kang mag-react.
pero ayos lang yan.
at least nare-release mo. :D
hehe..
*I.N.T.E.R.M.I.S.S.I.O.N.*
nakakita ako ng baboy na polka dots kanina!!!
aliw! kulay brown tas may itim na polka dots..
hihihi! la yung camera eh.. di ko tuloy napicture-an ever.
biruin mo yun. baboy na dalmatian!
haha! astiiiiig..
*End of I.N.T.E.R.M.I.S.S.I.O.N.*
so yun nga.. baboy ako ever. hahahaha!
gulo.
tama na nga.
nababaliw na ko sa mga isipin na yan.
my ghas!!!
sabi ng yoko ng nag-iisip e.
sa susunod nga, di na ko li-leave.
hirap ng nate-tengga ako oh.
makalayas na nga.
babush!
Thursday, February 5, 2009
anong meron sa bus?
ano kayang meron sa bus?
kasi last month, nalaman ko na yung isa kong kaibigan na NBSB* ay nagka boyplen na!
o haaaa..
at sa BUS nia sinagot.
tas today, yung isa pang kaibigan ko nagwento lang.
sabi nia, sila na daw nung type nia!
tas tinanong ko: "kelan pa?"
sabi nia: "kanina lang madaling araw. sa BUS."
o BUS pa din!
bat ba nauuso ang pagsagot sa BUS?
pero nung sa ex ko, sinagot ko din yun sa BUS e.
hahahaha!
di kaya cursed ang mga relasyon na sinimulan sa BUS?
hehe.. [ di ako bitter, pramis. =)) ]
hmmm.. cguro ganito yon..
gawan natin ng kwento..
or let's just say, eto hypothesis ko.
bat nagkakasagutan sa bus ang katauhan.
hehe..
pag naging sobrang ok yung date niyo that day or that evening.
as in uber enjoy kayo, mapapasagot na yung babae sa sobrang enjoy.
kaya si lalake magtatanong bago umuwi, siempre re-cap ng mga naganap ng araw na yon.
tas kahuli-hulihan tatanungin kung nagenjoy ba si babae?
sasagot si babae, "Oo naman! Uber enjoy ako.. Thanks ha!" [ sabay pa-tweetums ng mata ]
tas si lalake, na-boost ang confidence dahil napasaya nia si babae, magtatanong na kung ano bang estado nia ke babae.
tas si babae, dahil nadala sa maghapong gala at sweet-sweet-tan ni lalake, sasagot ng "you are sooooooo ok. sooobrang tayo na. as in."
si lalake, di malaman ang gagawin kung bababa ng bus at magpapasagasa sa truck habang uber saya pa nia.
si babae naman, feeling prinsesa, haba ng hair, nagpapaka diosa dun sa upuan sa bus.
feeling on top of the world. =))
tsk tsk
lablayp sa bus ever!
bahala kayo..
sinumpa ang mga relasyon na nagsimula sa bus.
haha! [ di nga ako bitter. bah. hahahaha! =)) ]
end.
~_^