Thursday, March 5, 2009

elevator

may floor kasi dito sa building na wala ng tenants: yung ika-13th floor, pero 14th floor siya.
wala naman kasi madalas na 13th floor sa mga buildings e.
so un nga. oh eh di wala ng tenants sa floor na yun.
so sobrang dilim sa floor na yon at matahimik. uber!
etong si raechelita, isang maldita't kalahati!
kahapon, nagkasabay kaming umuwe.
umiral ang kapilyahan, pinindot ang 14th floor.
eh di magbubukas yon ever!!!
todo sigaw talaga ko e.
sabay lumabas akong elevator.
hinihila ko ni raech pabalik sa loob, eh ang lakas ko.
plakda sa salamin si raech e. hahahaha!
tas tawa ng tawa yung bata ano?
as in galak na galak at napasigaw ako ng katodohan.
di na daw, di na daw.
sakay na daw kaming elevator.
tas tawa pa din.
sabi ko maghiwalay na kaming elevator!
lam kong di titigil to e..
sabi, di na daw talaga.
oh eh di sakay na ko..
sabi ko lang: "nakuuu.. raech ka.. cge lang.. pag nipindot mo yan.."
sabi nia, di na daw. baba na daw kame.
oh eh di yon. nagsarado na ang pinto.
ayan naaaaaaaaaa..
ang malditang bata!!! pinindot ang 14!!!!
my ghaaaaaaaaas!
ginawa ko tumalikod ako tas pumikit.
para pag bumukas ang pinto sa 14th floor, di ko makikita.
aba't etong pilyang to, di ako tigilan.
pinipilit akong humarap.
ayan na nga po! tumunog na ang elevator at nagbukas na ang pinto.
sabay hila sa kin ni raech para humarap! eh di napaharap ako.
sabay biglang may pumasok na babae ang haba ng buhoooook!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"
super napasigaw talaga ko.
kala ko white lady na eh.
yun pala asa 15th pa lang.
hahahahaha!
nagulat yung babae sa sigaw ko.
napahawak sa dibdib niya sa takot. =))
di ko malimutan tsura nung babae e.
hahahahaha!
kung may sakit yung sa puso, inatake na.
ang todo ng sigaw ko e. hahahahaha!
adik talaga nitong si raechilita!!!
ah ah!!!
ang pilyaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
my ghas!!!
makakaganti din ako.
antay lang sia.
kala nia ha...
nakabili na ko ng weapon.
hahahaha!

:p

0 comments:

 
Bl0gR@ci0us © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina