may bago na kong hide-out ever.
as in uber excited na ko maglipat don.
kasi di ba nga? lumayas na ko sa unit.
kagabi nag-ayos kami ni harvelita ng gamit ko don.
tsaka andun na kasi yung mga titira for a month or so.
kaya umalis na ko. ora mismo. haha~
kaya ninang umaga, naghakot kami ng gamit.
may opismeyt ako na nagvolunteer to help me with my things.
kaya ngayon yung mga gamit ko asa sasakyan nia. nakatambak. :D
tas eh di nag-iisip nga ko kung ano ng gagawin ko.
puede naman kasi na kay harvz ako muna tira habang wala akong tutulugan pa.
kaso uber layo talaga don! suko ako. pramis.
ayaw ko ng maipit-ipit sa MRT. huhuhu..
tsaka minsan parang umuuwi na din ako ng LB.
2hrs na biyahe.. huhuhu..
tsaka naisip ko din, kung dun muna ako temporarily at dun ko muna dadalin mga gamit ko, pag nakakita na ko ng bahay dito makati. dadalin ko na naman mga gamit ko frm QC to Makati. ang hasseeeeeeeeeeeel!
kaya as much as possible, mailagay ko na mga gamit ko sa titirahan ko.
naisip ko na una, sa dorm ko dati.
kaso ayaw naman ni nanay doon.
mag-iisip daw sia palagi kung dun ako mag-stay.
kasi naiisip nia baka ako masunog don kasi palengke daw ang ilalim.
at madami din daw squatters. at delikado pag gabi.
dami sinabi eh noh? haha! ganun talaga pag ayaw.
madaming dahilan.
kaya naghanap ako ng iba.
kagabi may pinuntahan ako. don sa may magallanes.
kaso am panget nung place. :(
tas di siado accessible sa transpo at mejo delikado.
kat san ako tumingin may mga tambay sa bangketa na taas-paa at parang iskoba ang baba sa kapal ng ballbas.
kung di man tambay, mukang goons na pedicab driver. :-s
tas pagkakita ko dun sa bahay, feeling ko mare-rape ako doon.
ang view ay bubong ng mga kapitbahay. hahaha!
nitanong ko yung may-ari: "buti di po kayo pinagtatanggkaang pasukin dito?" (mejo matanda na sia e. matandang dalaga sia..)
sabi niya: "19 years na ko dito, wala namang nangyayaring masama sa kin.."
sa loob-loob ko: "pag lumipat po ako ditom malamang meron na."
hehehehe.. wala lang. na-feel ko lang.
sobrang open yung bahay kase at kahoy lang.
at ang taas ha! magha hiking muna ako bago maka-akyat. :-s
tas yung kuwarto, walang bintana!!!
huhuhuh.. kaya uber inet.
sabi ko yoko dun.
eh nagtext din kagabi yung may-ari. sabi nia gusto niya ako na don tumira.
kat daw wag na muna ako mag-down kasi nakita naman daw niyang muka akong mabait na bata. hahahaha!
o haaaaaa.. sabi ko sa inyo mabait ako e. =))
kasi nung una, sabi ko: "puede po ba na yung down at advanced payment ay sa pay day na po?"
sabi nia, kahit daw kalahati nung required payment magbigay ako kasi na-1-2-3 na daw sia.
eh nung pagkakita nia sa kin kagabi nagtext kagad pag-alis ko, sabi: "grace, sabihin mo kaagad sa kin kung gusto mo tumira dito sa bahay ko ha? kahit sa sueldo mo na ibigay lahat ng bayad. nakita ko naman na mabait kang bata."
HAHAHAHAHA!
ayus! :D
o eh di yon, katapus tapusan kagabi, wala akong lilipatan pala. :(
pero tuloy ang plano pa din.
nag-ayos akong gamit kagabi tas early in the morning, hinakot ko na lahat ng gamit ko sa unit. tinambak ko sa sasakyan.
tas niwewento ko kay raech sa chat ung nangyari.
si raech, biglang naalala na may naitabi pala siang number na for rent.
tinawagan ko yung number. she lent me her phone kasi SUNCELL yung number.
tas nagdecide kami na puntahan ngayong lunch.
we checked the place out. ganda!
maganda sia compared sa mga natingnan ko.
residence yun e. tas pinapaupahan nia mga rooms nia.
ang makakasama ko sa room ay manager daw sa metrobank. :)
sobrang luwag pa ng kuarto!
pang animan daw kasi yon. pero dalawa pa lang kami na mag stay.
ibibili nila ko ng bed this weekend! ^_^
provided daw kasi nila yon. tsaka tiktik-pan.
kaya maya, ilagay ko na yung mga gamit ko doon.
pero sa monday na ko tulog don.
maya, kay harvelita muna ako.
kunin ko din mga gamit ko don.
grabeeee.. dami kong gamit! @_@
wawa naman yung kasama ko sa kuarto.
hehe.. :D
nways.. so yun nga.
maya after work, magdala na ko ng gamit doon.
so excited to lipat.
^_^
Thursday, March 26, 2009
bagong hide-out
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment