Monday, April 13, 2009

pinsan

lam niyo ba. may pinsan ako na kinaiinisan halos ng mga kamag-anak ko.
ewan ko ba, pero mababa ang loob ko sa kaniya.
lam niyo yung feeling na may nakikita at nararamdaman ako na di nakikita at nararamdaman ng iba?
parang behind her suwail na ugali, nakikita ko yung kalungkutan nia sa loob at yung paghahanap nia ng pagmamahal.
di ko alam, feeling ako ako lang ang nakakakita non.
kasi nagagalit sila sa kania eh. ako inde.
everytime na nakikita ko siya, naaawa ako sa kania.
she was never raised with a mom and dad.
maliit pa lang sia kung san san na sia nakikitira, nakikisama sa pamilya na tinitirhan niya.
ang nanay at tatay nia, hiwalay.
ang nanay nia asa ibang bansa maliit pa lang sia.
ang tatay nia may iba ng pamilya.
nalulungkot ako para sa kaniya.
pag ine explain ko yan sa mga kamag-anak namin, ang sinasabi sa kin: "eh bat yung kuya niya, di naman ganyan ang ugali? mabait naman.."
andun na ko. but still, may pagkukulang sa buhay niya.
may hinahanap siya na di naibigay ng nanay-tatay nia.
wala siang buong pamilya na kinalakhan.
kaya kapag pinag mamasdan ko sia na naghuhugas ng plato sa bahay o kaya nag lilinis at nagwawalis sa bahay, awang-awa talaga ko.
ginagawa niya yun kasi nakikisama sia. alam niyang nakikitira lang sia kaya kelangan niang kumilos sa bahay.
nakakaawa talaga. she was never happy.
she never had a happy childhood.
kaya mababa ang loob ko sa kaniya e.
as much as possible, i wanted her to feel that she's cherished and she's important when i'm around.
oo lang ako ng oo don kapag may request sa kin.
yung kalungkutan nia yung nakikita ko, indi yung suwail na ugali niya.
naaawa talaga ako..
maliit pa lang sia, wala na siang kinikilalang pamilya.
kung san san na sia nakikitira. silang magkapatid.
ang hirap non!
grabe..
di ko din naman masisi mga kamag anak ko pag kinaiinisan sia kasi talagang may ugali din.
pero di ko pinapansin yon.
dahil ang nakikita ko nga sa kaniya eh yung sobrang lungkot na nararamdaman nia dahil di sia nakaramdam na may pamilya na nagmamahal sa kaniya.
tas kahapon, tumawag nanay nia sa nanay ko (magkapatid sila pala)
asa background lang sia.
di sia kinausap ng nanay nia, nanay ko lang. :(
ang sakit non grabe..
sabi lang sia ng sabi: "tita, yung cellphone ko tita sabihin mo.." "tita, si ineng may birthday na.."
pero di sia iniintindi ni nanay. yung magkapatid lang ang nag-uusap.
alam ko nasaktan sia nung natapos ang usap na di man lang sia kinausap ng nanay nia.. :(
grabe... ramdam na ramdam ko yon.
kahit di ko sia nakikita.. (asa kuarto kasi ako e, rinig ko lang sila)
sobrang napaawa ako.. after nung tawag sa telepono. ang tahimik niya..
cguro napapaawa sa sarili yon. at siempre nasaktan yon..
haaaaay.. wala lang.. naaawa talaga ko sa pinsan ko na to.
di ako maaway niyan kasi ako lang mabait sa kaniya. hehehe..

nways.. na share ko lang to.
kasi andun sia sa bahay ulit nakatira.
pinag mamasdan ko sia minsan.
minsan nakikita ko tulala siya. 9_9

hay naku.. if i could do anything to help her..
sabi ko tulungan ko na lang sia hanap work.
sana may mai-refer ako..
at sana may maitulong ako para mag mature pa siya..

end.

0 comments:

 
Bl0gR@ci0us © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina