lam niyo, feeling ko, lagi akong nakukulangan ng oras.
as in! parang lagi akong abala sa mga bagay bagay.
di ako makapag relax.
lapit ko ng itanong; "ano bang ibig sabihin ng relax?"
hehehe..
kasi tingnan niyo ha.. bigyan ko kayo ng example..
eh di nung friday, april 24, nag undertime ako to attend an officemate's wedding.
umalis kami ng 4PM sa opis.
eh di wedding, wedding.
around 8PM nagpaalam na to go straight to Batangas naman to visit a friend.
i met Harvy sa Kamuning Station. dun kami sumakay ng bus.
dumating kami almost 11PM na.
nisundo lang kami ni Leah sa 7-11 sa Lipa.
tas niyan, kumain lang saglit ng desserts. kwentuhan saglit.
tas pumunta na kami sa Loft to rest.
pagdating, naligo lang tas wento saglit naman with Harvz.
natulog kami 2AM na.
tas nagising 8:30AM.
breakfast. pictures. tsikahan. lunch. swimming. ligo. ayos na ng gamit. tsikahan ulet. kain ulet. uwi na.
we left batangas ng 8pm, i guess.
tas nakarating kami ng Laguna ng around 10:30PM na.
konting laro laro lang sa pamangkin tas tulog na.
the next day. we woke up early for House to House & Bible Study.
asa field ministry kami from 8-11:30AM.
pagdating sa bahay, lunch.
after lunch. online saglit tas Bible study kay nunan.
after bible study, nag-ayos ng pics.
after a while, preparation na for pulong.
tas pulong. after ng pulong, group meeting for the congregation outing.
tas pag uwi ng bahay kain ng dinner tas laro sa pamangkin.
tas tulog na.
tas yun, di ko na nakutaptapan, LUNES na ulet.
pasukan na naman.
o di ba? parang sobrang bilis ng mga bagay bagay.
pero mas gusto ko naman busy kesa pahila-hilata lang.
parang magkakasakit kasi ako pag nakahiga lang.
kaya kilos ako ng kilos.
pero minsan, susubukan ko namang mag-relax!
as in todong relax.
yung nakahiga lang sa may beach.
pa shades, shades. ganon. haha!
hooh! sarap non! ^_^
sana matupad. hehehe.. :D
Monday, April 27, 2009
hektik wikend
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment